Isang katao ang patay habang dalawa pa ang nawawala matapos malubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng Vancouver sa Canada dahil sa pananalasa ng bagyo.
Isinara ang dalawang malaking highway kung saan kumokonekta sa West Coast City dahil sa nangyaring pagbaha.
Ilang libong katao naman ang napilitang lumikas dahil sa banta ng malakas na bagyo.
Samantala, ayon sa mga otoridad, ang naturang bagyo ang pinakamatinding tumama sa kasaysayan ng Canada na nagresulta umano sa climate change.