Isa patay habang dalawa ang sugatan matapos araruhin ng Mercedes Benz ang mga sasakyan sa Bengaluru, India.
Kinilala ang drayber ng Mercedes Benz na isang businessman at defense colony resident na si Suvidh Chardio na kasalukuyang ginagamot sa Manipal Hospital.
Halos pitong sasakyan ang napinsala sa nangyareng insidente kabilang ang Maruti Alto Car na dineklarang dead-on-spot ang drayber.
Samantala, natukoy naman ang namatay sa insidente na si Hari Mahanth, 36 na taong gulang na isang empleyado sa isang restorant at residente ng Bhoopasandra sa nasabing bansa. —sa panulat ni Jam Tarrayo