Isa katao ang nasawi at dalawang rider ang sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Pasay City.
Natagpuang nakahandusay sa Edsa Southbound malapit sa Cabrera Street ang labi ng isang lalaki matapos mabangga ng motorsiklo ng isang delivery rider.
Ipinabatid ni Ambrosio Payumo, Jr. Nightshift Supervisor ng Pasay Traffic, hindi napansin ng delivery rider ang pagtawid ng biktima at dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang rider.
Samantala, isang sundalo naman ang sugatan matapos tumama ang minamanehong motorsiklo sa likuran ng nakaparadang truck sa West Service Road.
Tila naka inom ang sundalo kaya’t maaring hindi napansin ang nakabukas na warning lights ng truck.