Dalawampu ang sugatan habang isa naman ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na pamamaril noong halloween sa Kansas City at Chicago.
Ayon sa mga otoridad, aabot sa 70 hanggang 100 teenager sa Kansas City ang nag-iwan ng isang patay.
Sinabi ni Local Police Chief Karl Oakman, nagpaputok aniya ang mga bisitang hindi kilala ng may-ari ng bahay nang paalisin sila.
Samantala, natamaan ng drive-by-shooter ang 14 na katao kabilang ang tatlong bata sa parehong gabi sa Chicago.
Dalawang armadong lalaki sa isang madilim na SUV ang bumaril sa intersection sa nasabing na lugar.
Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng mga otoridad sa naganap na pamamaril sa nabanggit na dalawang lugar. —sa panulat ni Jenn Patrolla