Isa ang patay habang dalawampu’t dalawa (22) ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang tren sa Austria.
Ayon sa ulat, kabilang sa mga nasugatan sa insidente ang tatlong mga bata.
Nangyari ang aksidente sa bayan ng Niklasdorf kung saan sangkot dito ang intercity at regional passenger train na kapwa nadiskaril dahil sa lakas ng impact.
Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang nangyaring aksidente.
—-