Isa ang patay habang 27 ang sugatan matapos ang matinding pagsabog sa Thailand.
Nangyari ang insidente bandang alas tres ng madaling araw sa Ming Dih Chemical Co malapit sa Bangkok International Airport kung saan nag-iwan ng matinding apoy sa ilang gusali.
Ayon sa inisyal na report, isang bumbero ang nasawi habang dalawampu’t pito ang sugatan dahil sa nangyaring insidente.
Dagdag ng mga otoridad, mahigit limang daan ang residenteng na-evacuate sa dalawang evacuation centers.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung paano nagsimula ang sunog.