Patay ang isang anim na taong gulang na lalaki habang 2,000 katao ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog na naganap sa refugee camp ng Ronghiya sa Bangladesh noong Martes.
Batay sa isang pahayag, natupok ng apoy ang bahagi ng Katupalong Camp sa Cox’s Bazaar at 400 kabahayan dito ang nawasak.
Samantala, ito ang ikaanim na sunog na sa refugee camp ng mga Ronghiya sa naturang bansa ngayong taon. —sa panulat ni Airiam Sancho