Patay ang isang indibidwal habang tatlo ang nawawala matapos ang nangyaring pagguho ng lupa sa Sitio Diat, Barangay Napnapan, Davao De Oro noong Martes ng gabi.
Ito ang kinumpirma ng Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO) kung saan sanhi ng landslide ang ilang araw na pag-ulan sa lugar dahil sa low pressure area.
Patuloy pang biniberipika ang pagkakakilanlan ng nasawi gayundin ang search and retrieval operations.
Noong Enero 2012, umabot sa apatnapu ang nasawi sa isang landslide sa naturang lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho