Patay ang isang Pulis habang 30 sibilyan ang sugatan sa naganap na pagsabog sa isang sasakyan sa Narathiwat, Southern Thailand.
Ayon sa mga otoridad, sinusuri pa ng pulisya ang footage ng security camera upang matukoy ang suspek.
May posibilidad pa anya na tumaas ang bilang ng mga sugatan dahil nililinis pa rin ang naturang lugar.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidenteng pagsabog. - sa panunulat ni Jenn Patrolla