Isang sundalo ang nasawi habang sugatan naman ang apat na iba pa makaraang sumabog ang isang landmine sa Bayugan City, Agusan Del Sur.
Ayon sa ulat ng 402nd brigade, kinilala ang mga namatay na sundalo na sina Lt. Rod Michael Aspiras at Sgt. Ruben Canoy habang sugatan naman sina Cpl. Rhuel Apura, Cpl. Rociller Guirero, Pfc Christian Lebu Penus at Pfc Jaime Seblian.
Batay sa imbestigasyon, nagsasagawa ng clearing operation ang tropa ng 402nd brigade sa Sitio Bungkuan, Barangay San Juan na sinasabing lungga ng New People’s Army nang biglang sumabog ang bomba.
Dahil labag ito sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights at International Humanitarian Law, agad na kinondena ng AFP ang paggamit ng landmine ng mga rebelde.