Patay ang isa katao at sugatan ang apat na iba sa pag-atakeng hinihinalang target ang alkalde ng South Upi sa Maguindanao.
Ayon sa mga otoridad, nakaligtas si South Upi Mayor Reynalbert Insular sa nasabing pag-atake na mahigpit nang iniimbestigahan ng mga otoridad.
Ang pampasabog ay isinabay sa convoy ni Insular sa vicinity ng Barangay Pandan at Barangay Pilar sa South Upi, alas-2 ng hapon, kahapon.
Mabilis namang nailikas ng mga otoridad sa ligtas na lugar ang grupo ni Insular.
Sinasabing nanunog din ang mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang ilang kabahayan sa lugar. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)