Isa ang kumpirmadong nasawi habang sugatan naman ang 40 na iba pa matapos madiskaril ang isang tren sa Sindh province, Pakistan.
Ayon kay railway official Kamran Lashari, galing ng Karachi City ang tren at patungong Lahore City nang maganap ang trahedya.
Habang tumatakbo ito ay bigla na lamang umanong lumihis ang anim na bahagi ng tren at nahulog sa kanal.
Inaalam pa kung ilan ang eksaktong bilang ng mga pasahero, gayundin ang dahilan ng pagkadiskaril ng naturang tren.