Isa patay habang mahigit 426 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 sa loob ng dalawang taon sa Quezon Medical Center sa Lucena City.
Ayon kay QMC Director Dr. Rolando Padre, kabilang dito ang 78 doctors, 169 nurse, 49 nursing aides, 14 midwifes, 20 porters at encoders, 72 admin staff, 6 radiologic technicians at 18 medical technologists.
Karamihan naman aniya sa mga nahawaang healthcare workers ay hindi na kailangang dalhin sa ospital at nananatili lamang ang mga ito sa bahay o nakahiwalay hanggang sa sila ay gumaling. – sa panulat ni Airiam Sancho