Isa ang patay at lima iba pa ang nawawala matapos sumiklab ang isang sunog sa pinatatakbong Offshore Platform ng Petroleos Mexicano (PeMex) sa timog na baybayin ng Mexico.
Ayon sa PeMex, tatlo sa mangagawa nila ang sugatan, isa ang nasa malubhang kalagayan habang isa naman ang nasawi ng dahil sa insidente.
Ayon pa sa PeMex, tatlong manggagawa sa contracting firm na cotemar ang sugatan at tatlo iba pa ang nawawala habang dalawa naman sa Bufete De Monitoreo De Condiciones ang nawawala rin.
Kanila naman ng iimbestigahan ang naging sanhi ng sunog. —sa panulat ni Rex Espiritu