Patay ang isang indibidwal habang sugatan naman ang limang iba pa kasunod ng pagsabog na naganap sa Uganda.
Ayon sa pulisya, biglang na lamang sumambulat ang hinihinalang bomba sa street-side restaurant strip sa lungsod ng Kampala.
Itinuturing naman ni Ugandan President Yoweri Museveni na gawaing terorismo ang naturang pag-atake.