Patay ang isang lalaki habang lima ang sugatan matapos sumabog ang water tank sa Bulacan.
Kinilala ang nasawi na si Ryan Mangio, isang operator habang kinilala naman ang mga sugatan na sina Eduaro Carpio, isang tubero at ricardo sulit na isa ding operator at kapwa kawani ng water district, milagros tionglo at isang Jomar Esteban.
Batay sa ulat, nagulantang ang mga biktimasa isang malakas na pagsabog sa Brgy. Bagumbayan sa nabanggit na lugar.
Narekober ng mga rescuer ang katawan ni Mangio makaraang madaganan umano ng isang sasakyan hanggang sa malunod na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman kung may kinalaman ang “over pressure” sa pagsabog ng tangke ng tubig. —sa panulat ni Kim Gomez