Patay ang isang pulis habang sugatan ang anim (6) na iba pa matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA ang dalawang police vehicle sa bayan ng Labo, Camarines Norte.
Nakilala ang nasawing pulis na si PO2 Richard Abad, PO2 Ericson De Vera; PO2 Ronald Gutierrez; PO1 Jeffrey Tarubago; PO1 Pedro Valeros; PO1 Romar Umandap at PO1 Johnson España.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pabalik na sana sa Camp Daet nang pasabugan ng mga rebelde ang dalawang police vehicle na nauwi sa engkuwentro.
Agad namang nakapagpadala ng karagdagang puwersa ang pulisya kaya umatras din kalaunan ang mga rebelde.
Sa ngayon, tinutugis na ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Army ang mga tumakas na mga miyembro ng NPA.