Isa ang patay habang 62 indibidwal ang isinugod sa ospital dahil sa kontaminadong tubig sa Karnataka Raichur City sa India.
Ayon sa doktor na sumuri sa mga pasyente na si Bhaskar, superintendent ng Raichur Institute of Medical Sciences (RIMS), nakaranas ng dehydration na sinundan ng pagsusuka at diarrhea ang mga pasyente kabilang na ang 23 bata na patuloy na nagpapagaling.
Dahil dito, nagpahayag ng galit at pagkainis sa mga otoridad ang mga residente sa nabanggit na lugar dahil sa hindi umano pagtiyak ng supply ng malinis na inuming tubig.
Bukod pa dito, hindi rin tinutugunan ng District Administration sa lugar ang mga apela ng mga residente sa kanilang problema sa tubig.
Inako naman ng mga lokal ang pangyayari at sinabi na ang nainom na tubig ng mga biktima ay mula sa Rampuru Reservoir
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang naganap na pangyayari.