Patay ang isang binatilyo habang walo ang sugatan matapos matumba at tumagilid sa kalsada ang sinasakyan nilang truck sa Lemery, Iloilo.
Kinilala ng Lemery PNP ang nasawi na si Ryan Venus, 17- anyos at residente ng Bayan ng Banga, Aklan.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang driver ng truck noong Biyernes matapos mawalan ito ng preno.
Dito na natumba at tumagilid ang truck sa gilid ng kalsada.
Mabilis namang nakaresponde ang mga otoridad at dinala ang mga biktima sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival na si venus.
Ligtas ang apat na sakay nito kabilang ang mag-asawang may-ari ng sasakyan.
Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring electrical short circuit ang sanhi ng insidente na patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad.