Isa ang nasawi habang siyam naman ang sugatan, kabilang ang limang pulis, sa naganap na pagsabog at sunog sa New York City.
Ayon sa New York Fire Department, nangyari ang insidente sa Bronx, kung saan isang gusali ang gumuho.
Sinabi naman ng mga otoridad na wala silang nakitang ‘foul play’.
Batay sa media reports, gas explosion ang sanhi ng sunog sa lugar, ngunit patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.