Patay ang isa katao at sampu ang sugatan sa pagsabog sa isang restaurant sa Ansbach malapit sa lungsod ng Nuremberg sa Germany.
Ayon sa police spokesman, iniimbestigahan pa ang dahilan ng pagsabog matapos ang pamamaril ng isang 18 anyos na gunman sa Munich na ikinasawi ng 9 katao noong Sabado.
Ipinabatid naman ng Spokesman ng Bavarian Interior Ministry kung accidental o intentional ang nasabing pagsabog.
Hinihinala naman ng mga awtoridad na gas leak ang dahilan nang pagsabog.
By Judith Larino
Photo Credit: EPA