Isang (1) babae ang patay habang lima (5) ang sugatan sa pananaksak sa Russel Square, Central London.
Ayon sa ulat, agad rumesponde ang mga pulis at ambulansya matapos matanggap ang tawag ukol sa insidente.
Anim (6) ang nadatnan nilang sugatan sa crime scene ngunit kalaunay nasawi din ang isa sa mga nasaksak.
Naaresto naman ang suspek at terorismo ang isa sa mga tinitignang motibo ng naturang pag-atake.
By Ralph Obina