Isa ang patay habang 13 katao ang sugatan matapos mag-karambola ang pitong sasakyan sa gitna ng malakas na ulan sa EDSA-Shaw flyover, sa Mandaluyong city, kagabi.
Ayon kay Erwin Sañano ng Mandaluyong Rescue, dead on the spot ang isang hindi pa nakikilalang biktima habang lima sa mga nasugatan ang sinugod sa Rizal Medical Center, sa Pasig at walo sa Mandaluyong Hospital.
Sangkot aniya sa karambola ang isang garbage truck, jeep, tatlong sports utility vehicle, mixer truck at pick-up.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nawalan umano ng preno ang garbage truck kaya’t inararo ang mga sasakyang nasa unahan nito at pinaka-matinding nawasak at nayupi ang likuran ng jeep.
Pansamantalang isinara sa daloy ng trapiko ang buong Shaw Boulevard flyover eastbound dahil sa aksidente.
Multiple vehicle collision at Shaw flyover. 8 patients were brought to Mand City Medical Center and 5 at Rizal Medical Center. Ambulances responded: Wack-wack, Highway Hills, Mand Rescue & EMS, Hulo, BFP, Barangka Ilaya, Red Cross and Pasig ambulances. | Photo: Mand Rescue & EMS pic.twitter.com/LrSvHSvME8
— Mandaluyong CDRRMO (@MandaluyongDRRM) July 28, 2018