Isa ang patay habang anim ang sugatan matapos mahulog sa isang creek ang isang pampasaherong dyipni sa bayan ng Luba sa Abra kahapon.
Ayon kay Luba Police Chief Captain Odilo Fel Osoria, bumibiyahe mula sa bayan ng tubo patungong Bangued sa Abra ang jeep sakay ang 23 pasahero nang mangyari ang aksidente.
Iniwasan nito ang isa pang jeep dahilan para mawalan ng kontrol at mahulog sa creek na may lalim na pitong metro.
Dahil sa nangyari, nasawi ang isang pasahero kahit umabot sa ospital.
Nasa mabuti namang kalagayan ang anim na nasugatan. —sa panulat ni Abby Malanday