Isa ang patay habang 59 ang sugatan sa panibagong pagsabog sa Kabul, Afghanistan.
Naganap ang pagsabog malapit sa isang Money Exchange Hub.
Ayon sa Taliban Interior Ministry, isang magnanakaw ang naghagis ng granada sa naturang lugar.
Gayunman, wala pang grupong umaako sa nabanggit na insidente.