Nasawi ang isang kawani ng Leyte Province Capitol matapos pagbabarilin ng apat na suspek na sakay ng dalawang motorsiklo sa barangay 110, Utap, Tacloban City, nitong Martes.
Kinilala ang biktima na si Gil Bobaris, 60-anyos, residente ng barangay San Ricardo Babatngon sa Leyte habang nakaligtas naman ang kasamahan nito na si Victorio Pineda, 51-anyos.
Ayon sa mga otoridad, nangyari ang insidente bandang alas-9:30 ng umaga. Nasa sasakyan umano ang dalawang kawani nang pagbabarilin ng mga suspek na agad namang tumakas.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.