Isa ang patay habang nakaligtas naman ang labing limang iba pa matapos tumagilid ang sinasakyan nilang roro passenger boat sa Ormoc City.
Kinilala ng Philippine Coast Guard ang nasawi na si Raquel Alo, trenta’y tres anyos na nakulong sa loob ng barko at ngayon ay nasa kostudiya na ng pulisya para sa pagsusuri.
Nabatid na papadaong na ang barko sa naturang lungsod bago ito tumagilid na siyang dahilan ng malagim na aksidente.
Gayunman, kasalukuyang nasa pangangalaga ng Ormoc Disaster Risk Reduction and Management Office ang labing limang tripolante ng barko para lapatan ng agarang lunas.