Ibinunyag ng WHO o World Health Organization na isa (1) na ang nasawi buhat nang tumama ang ebola outbreak sa Democratic Republic of Congo noong Abril 22 kung saan dalawang iba pang kaso ang pinaniniwalaang dulot din ng katulad na virus.
Ayon kay WHO Spokesman Christian Lindmeier, iniulat din ng Congo Ministry of Health na siyam (9) na iba pang hinihinalang ebola cases ang naitala sa teritoryo ng Aketi sa hilagang silangan ng Bas-uele Province.
Sinasabing tatlong (3) tao na ang nasawi dahil sa hemorrhagic fever pero isa (1) lamang dito ang kumpirmadong sanhi ng ebola.
Magugunitang dalawang daan (200) katao ang nasawi sa tumamang ebola outbreak sa Congo noong 2007.
By Jelbert Perdez
1 patay sa ebola outbreak sa Congo was last modified: May 13th, 2017 by DWIZ 882