Isa ang patay sa Anti-Criminality Operation na inilunsad ng Manila Police District sa Quiapo, kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Alnor Silongan, na nanlaban umano sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation.
Ayon kay M.P.D. Director, Chief Supt. Joel Coronel, ikinasa ang operasyon bilang bahagi ng pagpapaigting ng seguridad para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nasamsam mula kay Silongan ang isang kalibre 38 revolver, sachet ng shabu at marked money na nagkakahalaga ng 5000 Piso.
Samantala, 78 naman ang dinala sa MPD headquarters kung saan 21 ang inaresto dahil sa iligal na droga at 57 ang sumasailalim sa verification para matukoy kung may kinakaharap na kasong kriminal.
By: Drew Nacino / Aya Yupangco
1 patay sa isinagawang Anti-Criminality Operation sa Quiapo was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882