Isa ang patay habang hindi pa mabatid ang bilang ng mga nasugatan sa pagsiklab ng karahasan sa pagitan ng mga daan-daang pro at Anti-white supremacist sa Charlottesville, Virginia sa Amerika.
Nasawi ang biktima makaraang araruhin ng isang kotse ang grupo ng Anti-white Supremacist.
Idineklara naman ni Virginia Governor Terry Mcauliffe ang state of emergency dahil sa naturang insidente.
Nag-ugat ang kaguluhan sa plano ng gobyerno na tanggalin ang confederate monuments gaya ng kay General Robert Lee, isa sa mga American Civil War hero noong 1861 hanggang 1865.
Ang pagpapatanggal sa mga monumento ay senyales ng tuluyang pagwawakas ng “black slavery” sa U.S. na ugat ng digmaan at pagkahati ng bansa sa dalawa, ang confederate states o pabor sa Slavery at union o free states, na pabor naman sa pagkakaroon ng pantay na karapatan para sa mga Afro-American.