Isa ang patay habang isa ang sugatan sa pagsabog ng granada sa bayan ng Pikit, North Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Jamil Umraan habang nasugatan naman si Norodin Pacalna, trenta’y singko anyos at kapwa residente ng Barangay Poblacion.
Ayon kay Chief Insp. Romy Castañares, hepe ng Pikit Municipal Police, isang hindi pa nakikilalang lalaki ang naghagis ng granada sa tapat ng Pacalna variety store sa Apollo street, dakong ala syete kagabi.
Isasara na anya sana ni Pacalna ang kanyang tindahan subalit biglang sumulpot ang dalawang lalaking naka-motorsiklo at isa sa mga ito ang naghagis ng pampasabog.
Inaalam pa kung ano ang motibo sa pag-atake at sino o anong grupo ang nasa likod nito.