Isang sugar planter o magtutubo at driver ang patay sa pananambang ng New People’s Army o NPA sa bayan ng Calatrava, Negros Occidental.
Kinilala ang mga biktima na sina Norberto Lumayno, animnapu’t pitong (67) taon at driver na si Danilo Braga, apatnapu’t limang (45) taon, kapwa residente ng naturang lugar.
Batay sa imbestigasyon, lulan ang dalawa ng puting pickup truck patungong azucarera nang paulanan ng bala ng higit sa sampung (10) kalalakihan sa barangay Minapasuk.
Tatlong oras matapos ang insidente, nakasagupa ng militar ang mga rebelde sa barangay Bug-ang sa karatig bayan ng Toboso.
By Drew Nacino
1 patay sa pananambang ng NPA sa Negros Occidental was last modified: June 23rd, 2017 by DWIZ 882