Isa (1) ang patay sa serye ng bakbakan ng Philippine Army at armadong grupo sa Makilala, North Cotabato.
Naganap ang unang sagupaan sa pagitan ng mga miyembro ng 39th Infantry Batallion katuwang ang Makilala Municipal Police at umano’y lawless armed group, noong Sabado ng hapon, na tumagal ng isang oras.
Ayon sa Philippine Army, muling sumkilab kinaumagahan ang bakbakan ng dalawang panig na tumagal naman ng kalahating oras.
Ang insidente ay nag-ugat sa sumbong ng Santos Land Development Corporation sa Makilala Municipal Police na hinarass ang kanilang company driver na si Delio Tongcos ng apat na armadong lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo sa Purok Pili Nut, Barangay Malasila.
Pinagbabaril umano ng apat na lalaki ang truck driver at nagbantang mananagot ang management kung hindi magbibigay ng extortion money.
By Drew Nacino