Patay ang isang dalagita sa naganap na sunog na tumupok sa 22 bahay sa barangay Sambag 1 sa siyudad ng Cebu.
Kinilala ang biktima na si Dawn Therese Awi, 14 taong gulang.
Ayon kay Senior Fire Officer 3 Oliver Tauto ng Bureau of Fire Protection(BFP), mahimbing na natutulog ang dalagita kaya hindi nito namalayan ang sunog.
Mahigit sa P300-K ang halaga ng mga natupok na ari-arian sa nabanggit na insidente.