Isa patay habang isa pa ang sugatan sa nangyaring sunog sa Muntinlupa City.
Kinilala ang nasawi na si Joseph Lepat, 50-anyos na nagtatrabaho sa nasunog na furniture shop.
Habang nagtamo namang ng first degree burn ang biktimang si Renante Clavano.
Ayon kay Senior Fire Officer 3 Jupiter Palaganas ng Bureau of Fire Muntinlupa, tinatayang nasa dalawang milyong piso ang halaga ng mga natupok na ari-arian.
Patuloy naman aniya ang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng nasabing sunog.
—-