Patay ang isang Person Deprived of Liberty habang dalawang iba pa ang sugatan kasunod ng nangyaring pananaksak sa maximum security compound sa New Bilibid Prison.
Nangyari ang insidente sa Gate 1-A, Quadrant 4 ng compound kahapon ng umaga.
Hindi naman tinukoy ng Bureau of Corrections ang pagkakakilanlan ng pdl na sangkot sa insidente.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon at ipinag-utos na rin ng BUCOR ang paghihigpit para sa seguridad ng PDLs at mga staff.