Tinutugis na ng mga pulis sa Illinois, USA ang isang Pilipinong pumatay umano sa isang real estate lawyer.
Ayon sa mga otoridad, hinihinalang si John Panaligan na tubong Aurora ang nanakal at pumatay kay Attorney Jigar Patel noong Disyembre.
Batay sa surveillance video, si Panaligan ang nakitang umalis sa gusali ng tanggapan ni Patel.
Posible umanong nag-ugat ang krimen sa isang kasong kinasasangkutan ng home healthcare business ni Panaligan.
Samantala, 3,000 dolyar ang ibibigay sa sinumanang makapagbibigay-alam ng kinaroroonan ni Panaligan.
By Avee Devierte