Patay ang isang Air Force Pilot sa panibagong pambobomba sa Kabul, Afghanistan.
Kinilala ang biktima na si Hamidullah Azimi na nasawi matapos taniman ng bomba ang kanyang sasakyan.
Ayon sa mga awtoridad, limang iba pang sibilyan ang nasugatan sa insidente.
Sa isang pahayag, agad namang inako ni Taliban spokesman Zabihullah Mujahid ang naturang pag-atake.