Matagumpay na na-repatriate ng embahada ng Pilipinas sa Iran ang isang Pinay at dalawa nitong anak ilang buwan matapos masagip mula sa pang-aabuso ng dayuhang mister.
Ayon kay Philippine Ambassador to Iran Wilfredo Santos, ang ginang na itinatago sa pangalang “Anna” ay na-rescue ng embahada sa tulong ng Tehran Immigration Police noong Hunyo 2021.
Nabatid na nagtungo sa Iran ang mag-asawa para mamasyal pero inabutan sila ng COVID-19 outbreak at inter-country restrictions.
Nakaranas din ng domestic violence si “Anna” sa kamay ng kanyang mister hanggang sa masagip ito ng mga awtoridad.
Samantala, maliban kay “Anna” at dalawang anak nito, isa pang distressed Filipino ang nakasabay din ng mga ito pauwi ng Maynila.