Patay ang isang (1) Pinoy crew member habang 4 ang sugatan sa nangyaring aksidente sa pinakamalaking cruise liner sa mundo, ang Harmony of Seas.
Ayon sa ulat, sakay ng isang lifeboat ang 42 anyos na Pinoy kasama ang 4 nitong kasamahan para sa isinagawang safety drill.
Bigla na lamang umanong kumalas ang tali ng lifeboat dahilan upang mahulog ang mga ito sa dagat sa taas na 33 talampakan mula sa naturang cruise ship.
Kabilang naman sa mga nasugatan ang 3 Pinoy at 1 Indian national na crew ng barko.
Ang Harmony of the Seas ay may habang 362 metro at kayang magsakay ng mahigit 8,000 pasahero.
May taas ito ng higit sa 25 palapag na gusali at sinasabing ang haba nito ay mas mataas pa sa Eiffel Tower.
By Ralph Obina