Patay ang isang pulis habang sugatan naman ang tatlo pang kasamahan nito makaraang makasagupa ang mga miyembro ng NPA o New People’s Army sa San Nicolas, Pangasinan.
Nangyari ang engkwentro sa boundery ng Sta. Maria at Barangay Malico kung saan naglunsad ng combat major operations ang (RPSB) Regional Public Safety Batallion Region 1 laban sa mga hindi pa matukoy na nilang ng mga rebelde.
Agad namang naglunsad ng follow up operation ang RPSB 1 katulong na rin ang tropa ng 84th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Kasalukuyan namang naka-alerto ang pulis at militar sa Pangasinan upang mapigilan ang bantang panggugulo ng mga rebelde.
9 na sundalo sugatan matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng BIFF
Sugatan ang siyam na sundalo matapos tambangan ng mga hinihinalang miyembro ng BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa Rajah Buayan, Maguindanao.
Kinilala ni Sr. Supt. Agustin Tello, hepe ng Maguindanao Police, ang mga biktima na sina Privates First Class Kevenino Abines, Jayson Abat, Crisanto Lemente, Jennil Distura at Jemuel Enocito, at Corporals Kevin John Burlatos, Marlon Abrenilla, Raymund Rosare at Rommel Besus.
Ayon kay Tello, ang mga sugatan ay kapwa miyembro ng 40th Infantry Battalion sa ilalim ng 6th Infantry Division ng Philippine Army.
Nabatid na patungo sana ang mga sundalo sa kanilang battalion command post sa Barangay Zapakan nang pasabugan ng isang roadside bomb ang kanilang sasakyan.
- Ralph Obina / Gilbert Perdez