Isang pulis ang natimbog matapos matuklasang miyembro umano ng Abu Sayyaf Group o ASG.
Kinilala ni PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang suspek na si Masckur Adoh Patarasa na naaresto sa isang Joint Police Operation.
Nahaharap sa kasong kidnapping with serious illegal detention si Patarasa o alyas “Makong” o “Omair Sali Taib,” sa isang korte sa Isabela City, Basilan.
Si patarasa anya ay isa rin umanong finance at Logistics Liaison Officer ng Dawla Islamiya at ASG at kabilang sa martial law arrest order 1 noong Marawi Siege noong 2017.
Lumabas sa imbestigasyon na binalak ng suspek na pulis na magpadala ng pondo sa mga bandidong grupong lumalaban sa Marawi.
Si patarasa ay sinasabing bayaw ni ASG Leader Isnilon Hapilon, na isa sa mga nanguna sa panig ng mga terorista sa marawi siege na kalauna’y napatay sa bakbakan.
Sisibakin sa serbisyo si Patarasa bukod pa sa pitong kasong kakaharapin nito habang inaalam na kung may mga kasabwat ito sa loob ng PNP.—sa panulat ni Drew Nacino