Patay ang isang hinihinalang rebelde habang isa pang kasamahan nito ang sugatan sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Santiago, Agusan del Norte.
Ayon kay Lt. Nonette Banggad ng 29th Infantry Batallion Civil Military Operations, wala pang pagkakakilanlan ang nasawi habang ginagamot naman sa ospital ang nasugatan.
Sinabi ni Banggad, nagsagawa sila ng operasyon sa Barangay Isidro matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente hinggil sa presensiya ng mga NPA sa lugar.
Narekober naman sa lugar ng bakbakan ang isang M-4 rifle, mga magazines, dalawang bandoliers, anti personnel mines, medicine kit, at isang handheld radio.