Pinawalang sala ng Sandiganbayan ang isang retired police official sa kasong perjury.
Ayon sa 4th Division ng Sandiganbayan, hindi guilty si dating Chief Supt. Danilo Mangila sa isinampang anim na bilang ng perjury laban dito dahil sa umano’y misdeclaration ng housing loan sa kaniyang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net worth.
Sinabi ng Sandiganbayan na bigo ang prosecution na patunayang may ginawang krimen si Mangila nang ideklara sa kaniyang SALN mula 1998 hanggang 2003 ang housing loan na nagkakahalaga ng halos P4.5-M sa GSIS na una nang itinanggi ang loan ni Mangila.
Batay sa desisyon ng Sandiganbayan, hindi lamang naman sa GSIS posibleng may loan si Mangila dahil ang mga katagang GSIS/other loan ang nasulat sa SALN nito na ayon sa dating heneral ay inihanda ng kaniyang secretary.
Bukod sa acquittal, ipinag utos ng Sandiganbayan sa Korte ang pagpapalabas ng bail bond na ibinigay ni Mangila.
By Judith Larino