Nagpapagaling na sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City ang nakalayang kapitan ng cargo vessel sa kamay ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Ayon sa Western Mindanao Command ng AFP o Armed Forces of the Philippines, binabantayan ngayon ng kanyang mga kaanak si Aurelio Agacac makaraang isailalim sa gamutan matapos makalaya.
Magugunitang dinukot si Agacac gayundin ang Chief Engineer na si Laurencio Tiro na kapwa mga tripolante ng MV Super Shuttle RORO 9 noong Huwebes sa karagatang sakop ng Sibago Island.
Nagmula ang nasabing barko sa Cebu at papunta sanang General Santos City nang salakayin ng mga armadong bandido sakay ng tatlong speed boat na napag-alamang mga miyembro ng Abu Sayyaf.
By Jaymark Dagala