Nahuli ng mga otoridad ang isa sa dalawang lalaking suspek sa serye ng panghohold-up sa Pasig City.
Ayon sa Pasig City Police Office, nagsagawa ang kanilang tauhan ng oplan sita sa kanto ng agustin at E.Santos kung saan, hinarang ang isang motorsiklong walang plaka.
Nang sitahin ng mga otoridad ang suot na bag ng mga rider ay agad silang umatras at tumakas.
Tinutukan pa umano ng baril ng isa sa mga suspek ang isang pulis at nakipambuno.
Dito na pinaputukan ng baril ng mga pulis ang kaliwang paa ng suspek na kinilalang si Jason Trinidad at agad na nahuli habang nakatakas naman ang isa pang suspek na kinilalang si Alex Almuela na patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad.
Nabatid na ang dalawang nahuli ay suspekdin sa panghohold-up sa isang palengke at isang gasolinahan sa naturang lugar. —sa panulat ni Angelica Doctolero