Patuloy pang tinutunton ng mga awtoridad ang isa sa 26 na South Koreans na dumating sa Cebu City mula Daegu City –isang araw bago maipatupad ang travel ban dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay Department of Health (DOH) assistant secretary Maria Rosario Vergeire, mali ang ibinigay na impormasyon sa pamahalaan ng nabanggit na South Korean.
Aniya, hindi ito nag-check in sa hotel sa Cebu City na una nitong tinukoy na tutuluyan.
Tiniyak naman ni Vergeire na ginagawa ng lokal na pamahalan ng Cebu ang lahat para mahanap ang nabanggit na South Korean.
Inaasahan din ni Vergeire na makapaglalabas na ng update ang mga awtoridad ngayong araw.