Inaasahang dadaluhan ng mga persons under investigation (PUIs) at suspected coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases ng isang ospital sa Sta. Rosa, Laguna ang kauna-unahang clinical trial ng Department of Science and Technology (DOST) sa virgin coconut oil (VCO).
Ayon kay DOST Secretary Fortunato Dela Peña, ikukumpara ang resulta ng nasabing test sa 90 sample, kung saan kalahati ng bilang nito ay paiinumin ng VCO bilang pangontra sa COVID-19.
Bukod pa rito, isasagawa naman ng Philippine General Hospital (PGH) ang pangalawang clinical trial na may 100 sample.
Gagawin naman sa Singapore ang ikatlong clinical trial na tutukoy naman kung ang ilang mga VCO components ay makatutulong sa pagpigil sa infectivity ng sars-cov2 na naidudulot ng covid-19.
Samantala, iginiit din ni DOST secretary Fortunato Dela Peña, na pinag-aaralan din ng ahensya ang ilang mga herbal medicines kung ito may taglay na lunas sa virus.