Nakararanas ng neurological o psychiatric problem ang isa sa bawat tatlong pasyente na nakarekober mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa pag-aaral ng The Lancet Psychiatry Journal, nakitaan ng malaking tyansa na magkaroon ng kondisyon sa utak kaysa makaranas ng respiratory tract infections ang mga nakarekober na COVID-19 patients.
Ilan sa mga halibawa ng sinasabing psychiatric diagnosis ay ang anxiety at mood disorders; kasama naman sa posibleng neurological disorders ay ang brain hemorrhage, stroke at dementia.
Isinagawa ang pagsusuri sa 230,000 na pasyente na gumaling sa COVID-19 kung saan nakitang ang tatlumput apat na porsyento ang na-diagnose ng ilan sa mga nabanggit na neurological at psychiatric condition sa loob ng anim na buwan.