Tinatayang isa sa tatlo o 1/3 mula sa 11 milyong residente ng Metro Manila ang natanggap na ang ayudang laan ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, bumibilis na ang distribusyon ng ayuda at hindi tumitigil ang lokal na pamahalaan sa pamamahagi.
Dagdag ni Malaya, ilan sa mga lokal na pamahalaan ay mas piniling mamudmod ng in-kind o groceries sa halip na P1,000 at hindi pa nakapagsisimula ng distribusyon dahil kailangan pang i-repack, at ihatid sa bahay ang mga ito.—sa panulat ni Agustina Nolasco